ILL BE THERE

Lunes, Agosto 5, 2013

ANG KALUPI
  (ARCELI SALAYON)




I-PAGKILALA SA MAY AKDA
     Isinulat ni Arceli Salayon ang "Ang kalupi" upang ipahiwatig sa mambabasa ang kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Nais niyang ipamulat sa mga mambabasa ang kahulugan ng kanyang saloobin
II-MGA TAUHAN
Andres Reyes – ang sinisi na kumuha ng kalupi.
 Aling Martha – (mga nasa 50, may asawa) ang may-ari ng kalupi.
 Aling Gudyang – (mga kaedad ni Aling Martha, isa ring ina) ang   
nag-pautang kaibigan dahil nawalan ito ng pera.
 Mamang Pulisang nag-imbestiga sa pagkawala ng kalupi ni Aling            
III-TAGPUAN OPANAHON
Naganap ang pangyayari sa palengke nang mabanga ni Andres Reyes si Aling Martha at nang-hingi ito ng paumanhin. Pinagpasensyahan s’ya ni Aling Martha at pinag-iingat sa susunod.
IV-SAGLIT NA KALIGAYAHAN
Ang sagli na kasiglahan ng kwento ay nang magsinungaling si mabangga si Aling Martha at sumunod ay ang pagkawala ng kanyang kalupi.
Dagdag pa dito ang pagtatanong ng pulis kay Andres tungkol sa kaluping nawawala dahil sa galit ni Aling Martha sa bata na kanyang inaakusahang kumuha ng kanyang kalupi.
V-SULIRANIN O TUNGGALIAN
Ang pangunahing suliranin dito ay ang pagkawala ng kalupi ni Aling Martha at pag-aakusa kay Andres na nagnakaw nito na pilit na itinatanggi ang akusasyon sa kanya. Kasama na rito ang pagdala sa bata sa presinto upang imbestigahan ang nangyari.
Sumunod na suliranin ay ang panlalaban ni Andres sa pangungurot ni Aing Martha.
VI-BUOD
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!" 
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e." 
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta. 
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.   Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood"Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito
Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera
Nangutang siya sa tindahan
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak"Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak"Saan pa, e di sa pitaka." 
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka." 
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang pinagbintangan
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."
VII-ARAL
        Huwag maghuhusaga ng ibang tao sa panglabas nitong anyo at saating pananaw na hindi makatao.maraming nagkakamali sa maling akala at maraming mapapahamak mo sa mga maling akala.















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento