ILL BE THERE

Biyernes, Hunyo 7, 2013

                              "ANG KAHAPONG NAGDAAN"
   
 
Maraming panahon,araw at gabi na ang nagdaan,subalit tila hindi ako mapakali sa isang tabi sa tuwing akoy nakakakita ng ng mga batang musmus palamang na masayang naglalaro. Mula sa kinatatayoan kung iyon,parang sa aking wari'y tila gusto kung  makipaglaro at makipaghabulan hanggang dumating ang dapithapon.
Sa tuwing sasapit ang dapithapon ako'y nangangamba  at nalulungkot sapagkat sa aking akala'y baka sa aking pagtulog at paggising sa umaga,sa pagmulat ko ng mata'y wala na ng umaga ang sisikat pa para kamiy di na makapaglaro pang muli.subalit iyon ay isalamang pangambat imahinasyon laluna't akoy sabik sa mga kalaro .Noong bata pakami kamiy naglalaro sa mga pilapil na nalalatagan nh mga damong may bakas ng luha ng nagsisigandahang bituin sa langit.....................
Noong akoy minsay may problema at di ako lumalabas ng bahay pumaroon sa aming tahanan ang aking mga kaibigan.At naalaa ko pa ang sinabi ng isa sa aking mga kaibigan"halikana't sumama sa amin,tayo'y paroroon sa tabi ng dagat at doon tayo'y maghahabulang simbilis ng hangin at ang mga problema'y ipadala at ipatangay na natin sa alon ng dagat".
Sa wikang iyon ng aking kaibigan akoy napaisip-isip at sa saglit kung pagiisip- isip ay nalala ko ang aking inay na may karamdaman.Kaya ang naging tugon ko sa aking mga kaibigan ay hindi mona ako sasama sa kadahilanang ang aking inay may iniindang karamdaman .At sa tugon kung iyon sa kanila tumatak sa akin isipan na tama ang aking desisyon na masgugustuhin ko nalang  naalagaan ang aking inay kaysa datnan ko ang aking inay na nakahandusay sa lapag.
Subalit hindi malis sa aking isipan ang paglalaro subalit hindi ko rin naman matiis ang aking magulang .nagulat ako sa mga sumonod na mga pangyayari tila nagkakatotoo na aking mga imahinasyon nasa pagmulat ko ng mata sa umagay wala na akong makakalaro pa .isang  taon na ang nakalipas subalit wala akong naklaro sa loob ng isang taong iyon liban nalang sa aking inay.Kaya naman nasanay na ako na walng kalaro peru sa tuwing naalala ko  ang araw na masaya ako kasama ang aking mga kalaro ang nararamdaman ko ay magkahalong lungkot at saya.At di maalis sa aking isipan na magkaroon ng kalaro na sing edad ko rin.
Kaya  naman ngayong matanda na ako'y tila nais kung balikan ang kahapong nag daan na puno ng msasayang araw kasama ang aking mga kalaro't kaibigan. Nasa pagbalik kung muli ay may mga kalaro akong muling madadatnan sa tabi ng dagat at sa pagsapit ng dapit hapon at pagsikat ngaraw sabay-sabay kaming gigising at maghahabulan kami at magtatampisaw sa ulan  at magsisimula muli ng panibagong yugto ng aming buhay.Ang Kahapong Nagdaan.................

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento